Kabataan, Tayo ang Pagbabago!
Buuin ang Magandang Bukas, Magparehistro para Bumoto!
Ang sabi nila, wala na tayong magagawa. Wala na daw magbabago. Wala na daw tayong ibang pagpipilian kung hindi ang magtiis sa kasalukuyang bulok na kaayusan. Matuto na lamang daw tayong sikmurain ang kanilang pangungurakot at kasinungalingan.
Ang sabi nila, kalokohan lang daw ang ating mga pangarap para sa mas magandang bukas. Aksaya lang daw ng panahon ang pagkilos para sa pagbabago.
Ngayong eleksyon papatunayan nating maling mali sila. Bubuo tayo ng isang kwento ng pagbabago. Isang kasaysayan ng kung paano, sa gitna ng karimlan, patuloy tayong nangarap at nanindigan. At kung paano natin nakilala ang ating sarili, naintindihan ang ating papel, at napuspos ang ating kolektibong kapangyarihan para masakatuparan ang pangarap na ito para sa bayan at sa susunod na mga henerasyon.
Boboto tayo para sa pagbabago.
Boboto tayo para sa kinabukasan.
Yayanigin natin ang halalang ito ng isang makasaysayang paglalahad ng ating pagkakaisa at paninindigan para sa pagbabago.
Hindi na tayo madadaan sa pambobola at panloloko. Hindi na tayo magpapainsulto at papayag na isantabi na lamang pagkatapos pangakuan at matapos gamitin sa mga kampanya at islogan. Titiyakin natin ang ating tinig sa lipunan at para sa pagbabago. At titiyakin natin na bago, habang, at pagkatapos ng eleksyon, kikilalanin tayo, ang ating mga pagnanais at kagalingan, ang ating boses sa lipunan.
Alam natin na bulok at marahas ang halalan. Pero hindi tayo magpapadaig sa mga kaganidan at kasamaan. Bawat boto natin ay pahayag ng ating pagkakaisa at paninidigan. Magbabantay tayo at titiyaking mabibilang ang bawat isa rito. Higit sa araw ng halalan ang hinahangad nating bukas, pero mahalagang pagkakataon itong sasamantalahin natin tungo sa higit pang pagkilos sa hinaharap.
Magparehistro!
Titiyakin natin na ang mga Kabataan sa buong bansa na magparehistro para sa halalan sa 2010.
Sinumang kwalipikado ay dapat nating hikayating makapagparehistro. Karapatan nila ito!
You are qualified if you are:
è a Filipino citizen
è at least eighteen (18) year old on or before election day
è has resided in the Philippines for at least one (1) year and in the place wherein you propose to vote for at least six (6) months immediately preceding the election; and,
è not otherwise disqualified by law, such as:
è any person who has been sentenced by final judgment to suffer imprisonment of not less than one (1) year;
è Any person adjudged by final judgment of having committed crimes such as rebellion, sedition, violation of the firearms law and against national security;
è Insane or incompetent person as declared by competent authority.
Simple lamang ang proseso ng pagpaparehistro.
è Pumunta sa Election Officer (EO) dala ang valid ID. Kumuha ng registration forms.
è Ipasa ang form na may tirahan. Ipaverify ang tirahan sa EO. Bibigyan ng forms.
è Ifill-up at ipasa ang registration forms.
è Susumpa. Magpakuha ng litrato, thumbmark at iba pang kailangang detalye.
è That’s it! Hintayin ang pabatid ng COMELEC at alamin na kung saang presinto ka boboto.
Sama-sama tayo!
Titipunin natin ang iba’t ibang mga organisasyon, grupo, indibidwal sa mga komunidad, paaralan at mga tipunan ng mga kabataan para magtulungan sa pag-abot sa pinakamaraming bilang ng kapwa kabataan at mamamayan.
Ipalalaganap ang pag-anyaya at halaga ng paglahok at pagpaparehistro. Maglabas ng iba’t ibang materyal para sa pagpapalaganap ng paanyaya.
Hihikayatin ang mga organisasyon, barkada, samahan, at pinakamarami na pumunta sa mga opsina ng COMELEC para magparehistro. Gagawa ng paraan para maging madali at masaya ang barkada trips.
Maglulunsad ng sattelite registration sa mga komunidad, paaralan, at tipunan ng mga kabataan. Makipag-ugnayan sa COMELEC at barangay at papuntahin ang pinakamarami.
Tutulong sa pagkalap ng pondo, materyales at mga makakatulong ng mga gamit at rekurso para sa kampanya.
Bubuuin natin ang bukas, ngayon!
Mahalaga ang bakasyon para sa maramihang pagpaparehistro. Sa kabila ng ating apila, nananatiling Oktubre 31 na lamang ang deadline sa pagpaparehistro ng mga kabataan.
Kaya titiyakin natin na tayo ay maging maagap, masigasig at epektibo!
Tayo ang Kabataan, at TAYO ANG PAGBABAGO!
Magparehistro! Boto para sa pagbabago—Kabataan!
0 comments:
Post a Comment